4 opisyal ng PNP sibak sa Negros massacre

SINIBAK kahapon sa puwesto ni Philippine Natio­nal Police (PNP) chief General Oscar Albayalde ang apat na opisyal ng pulis sa lalawigan ng Negros Oriental upang bigyan ng daan ang imbestigasyon na may kinalaman sa operasyon ng pulisya na ikinamatay ng 14 katao at ikinaaresto ng 12 iba pa sa tatlong lugar sa lalawigang ito.

The post 4 opisyal ng PNP sibak sa Negros massacre appeared first on Abante News Online.

4 opisyal ng pnp sibak sa negros massacre - 4 opisyal ng PNP sibak sa Negros massacre
Abante PNP - 4 opisyal ng PNP sibak sa Negros massacre

SINIBAK kahapon sa puwesto ni Philippine Natio­nal Police (PNP) chief General Oscar Albayalde ang apat na opisyal ng pulis sa lalawigan ng Negros Oriental upang bigyan ng daan ang imbestigasyon na may kinalaman sa operasyon ng pulisya na ikinamatay ng 14 katao at ikinaaresto ng 12 iba pa sa tatlong lugar sa lalawigang ito.

Ayon kay Albayalde, tinanggal muna niya sa puwesto sina Colonel Raul Taca, Provincial Director ng Negros Oriental, Lt. Colonel Patricio Dagay, hepe ng Canlaon City police, Lieutenant Kevin Roy Mamaradlo, hepe ng Manjuyod Municipal Police Station (MPS), at Captain Michael Rubia, hepe ng Sta. Catalina MPS dahil sa gagawing imbestigasyon sa insidente.

Kasabay nito inatasan ni Albayalde ang PNP Internal Affairs Service (IAS) at Directorate for Investigation and Detection Management (DIDM) na imbestigahan ang isidente.

Una nang nilinaw ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na hindi massacre ang nangyari sa Negros Oriental dahil ang mga napatay na subject ng mga warrant ay nanlaban sa mahigit 30 magkakahiwalay na law enforcement operations, kung saan 12 ang naaresto at ilang pulis din ang sugatan na naganap nitong nakaraang Sabado.

Gayunpaman, tiniyak ng Albayalde na bukas ang PNP sa ano mang uri ng imbestigasyon sa insidente. (Edwin Balasa)

The post 4 opisyal ng PNP sibak sa Negros massacre appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *