4 na mga supporter ng mayor sa Zamboanga del Sur pinagbabaril ng vice mayor

PATAY ang isang supporter ni incumbent Molave, Zamboanga del Sur Mayor Ireneo Glepa habang sugatan ang tatlong iba pa matapos umano silang pagbabarilin ni Vice Mayor Rico Amigo at mga tauhan nito kamakalawa nang gabi sa Brgy. Madasigon ng nabatid na bayan.

The post 4 na mga supporter ng mayor sa Zamboanga del Sur pinagbabaril ng vice mayor appeared first on Abante News Online.

4 na mga supporter ng mayor sa zamboanga del sur pinagbabaril ng vice mayor - 4 na mga supporter ng mayor sa Zamboanga del Sur pinagbabaril ng vice mayor
ABANTE zambo molave - 4 na mga supporter ng mayor sa Zamboanga del Sur pinagbabaril ng vice mayor

By Edwin Balasa

PATAY ang isang supporter ni incumbent Molave, Zamboanga del Sur Mayor Ireneo Glepa habang sugatan ang tatlong iba pa matapos umano silang pagbabarilin ni Vice Mayor Rico Amigo at mga tauhan nito kamakalawa nang gabi sa Brgy. Madasigon ng nabatid na bayan.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Joseph Aljo, 34-anyos, habang sugatan naman ang mga kasamahan nitong sina Lorenzo Canlom Jr., Jason Aljo, at Jessie Gapol, pawang mga supporters ni incumbent Mayor Glepa.

Sina incumbent Mayor Glepa at Vice Mayor Amigo ay maglalaban sa mayo-ralty post sa darating na mid-term election sa darating na Lunes.

Ayon sa mga sugatang biktima tinutukan umano sila ng dalang M4 firearm ni Amigo dahilan upang magmakaawa sila para sa kanilang buhay subalit pinaputukan pa rin umano sila ng vice mayor dahilan upang tamaan ang mga biktima na ikinasawi ni Joseph Aljo.

The post 4 na mga supporter ng mayor sa Zamboanga del Sur pinagbabaril ng vice mayor appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *