4 na carnapper bulagta sa police encounter

APAT na hindi kilalang carnapper ang napatay makaraang makorner ng pinagsa­nib na puwersa ng Plaridel Police at Provincial Intelligence Branch (PIB) ng Bulacan PNP Command sa hot pursuit operation matapos tangayin ang Toyota Vios ng costumer ng Alfamart at kumasa sa NIA Road, sakop ng Barangay Bagong Silang, Plaridel, Bulacan kahapon nang madaling-araw.

4 na carnapper bulagta sa police encounter - 4 na carnapper bulagta sa police encounter
crime 3 - 4 na carnapper bulagta sa police encounter

APAT na hindi kilalang carnapper ang napatay makaraang makorner ng pinagsa­nib na puwersa ng Plaridel Police at Provincial Intelligence Branch (PIB) ng Bulacan PNP Command sa hot pursuit operation matapos tangayin ang Toyota Vios ng costumer ng Alfamart at kumasa sa NIA Road, sakop ng Barangay Bagong Silang, Plaridel, Bulacan kahapon nang madaling-araw.

Base sa report ni P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan Police director, kay P/Brig. Gene­ral Leonardo M.Cesneros, officer-in charge ng Police Regional Office 3, hindi pa nakikila ang apat na suspek na nasawi sa lugar ng engkuwentro bunga ng mga tama ng bala sa kanilang katawan. Nakumpiska sa kanila ang isang caliber 45 pistol, Uzi sub machine gun, 2 caliber 38 revolver, kinarnap na kotse at ilang pakete ng shabu.

Nabatid na bandang alas-3:50 kahapon nang madaling-araw nang maganap ang engkuwentro matapos na tutukan ng baril ng dalawa sa mga suspek ang biktimang si Michael Reyes na bumili lamang ng pagkain sa convinience store sa Plaridel. Pu­wersang tinangay ng mga suspek ang kanyang kotse na may plakang AHA 2068 patu­ngong Barangay Bagong Silang, Plaridel kaya kaagad na nag-report ang biktima sa pulisya.

Mabilis na naialarma ang carnapping case kaya nagsagawa ng hot pursuit ope­ration ang Plaridel Police sa pangunguna ni P/Lt.Col. Victorino Valdez, Plaridel Police chief at Bulacan PIB kunsaan pinara nila ang sasakyan ngunit hindi ito huminto hanggang sa mauwi sa mainit na engkuwentro.

Patuloy pa ring inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng apat na karnaper na pinaniniwalaang kabilang sa grupo ng carnapping syndicate na kumikilos sa Bulacan at iba pang bahagi ng Central Luzon. (Jun Borlongan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *