4 na Abu Sayyaf timbog, sangkap sa paggawa ng bomba nasamsam

Apat na miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) ang naaresto ng mga awtoridad kung saan nakuha­nan ang mga ito ng iba’t ibang uri ng sangkap ng pampasabog kahapon nang madaling-araw sa Zamboanga City.

4 na abu sayyaf timbog sangkap sa paggawa ng bomba nasamsam - 4 na Abu Sayyaf timbog, sangkap sa paggawa ng bomba nasamsam
ABANTE Abu Sayyaf - 4 na Abu Sayyaf timbog, sangkap sa paggawa ng bomba nasamsam

Apat na miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) ang naaresto ng mga awtoridad kung saan nakuha­nan ang mga ito ng iba’t ibang uri ng sangkap ng pampasabog kahapon nang madaling-araw sa Zamboanga City.

Kinilala ang mga suspek na sina Aljiver Habi­bula, 35-anyos; Omar Julaspih, 22; Rody Marail, 36 at Nash Amik, 32, pawang mga tubong Sulu at pansamantalang naninirahan sa Manggal Drive, Baliwasan Grande, Zamboanga City.

Sa ulat na ipinadala ni Police Major He­len Galvez, tagapagsalita ng Police Regional Office 9, dakong alas-tres nang madaling-araw nang magsagawa ng search warrant sa kasong illegal possession of explosive ang pinagsanib na puwersa ng pulisya at mi­litary laban sa mga suspek at sinugod ang tinitirahang bahay ng mga ito sa Manggal Drive, Balaiwasan Grande ng nasabing lungsod.

Nakuha sa mga suspek ang iba’t ibang sangkap sa paggawa ng bomba katulad ng mga blas­ting cas, detonating cord, 5 round ng 40 mm ammunition, ammonium nit­rate at iba pa.

Lumalabas pa sa nakuhang impormasyon ng awtoridad na ang nasabing mga suspek ay nag-o-operate sa mga lalawigan ng Sulu, Basilan at Zamboanga City.

Sa ngayon ay nakakulong na sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group Zamboanga ang mga suspek habang inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga ito. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *