4 holdaper ng gasolinahan todas sa QC shootout

Duguang bumulagta ang apat sa walong ‘di pa nakikilalang kalalakihan nang makipagpalitan ng pu­tok sa mga rumespondeng pulis, makaraang hol­dapin ang isang gasolinahan sa Quezon City, Martes nang madaling-araw.

4 holdaper ng gasolinahan todas sa qc shootout - 4 holdaper ng gasolinahan todas sa QC shootout
gunshot1 - 4 holdaper ng gasolinahan todas sa QC shootout

Duguang bumulagta ang apat sa walong ‘di pa nakikilalang kalalakihan nang makipagpalitan ng pu­tok sa mga rumespondeng pulis, makaraang hol­dapin ang isang gasolinahan sa Quezon City, Martes nang madaling-araw.

Inilarawan ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Colonel Ronnie S. Montejo ang mga napatay na suspek na mga nasa edad 30-35, pa­wang may taas na 5’5’’, nakasuot ng puting T-shirt, fatigue maong short pants, black mask at helmet, black jacket na may hood at brown pants, ilan sa kanila ay may tattoo na ‘Talim’, ‘Egay’, at ‘Tribal’ sa kanang hita nito.

Batay sa report kay Montejo, ang engkuwentro ay naganap sa Petron gasoline station sa kahabaan ng Payatas Road cor., San Jose St., Barangay Payatas A, dakong alas-2:45 nang madaling-araw.

Nagpapatrulya umano ang mga operatiba ng Batasan Police Station 6 nang magpasaklolo sa kanila ang mga empleyado ng hinoldap na gasolinahan.

Ayon sa mga biktima, walong kalalakihan na pawang sakay ng motorsiklo ang sabay-sabay na nagpanggap na kostumer saka nagpahayag ng holdap.
Nang malimas ng mga suspek ang pera ay agad tumakas ang apat.

Agad namang nagsagawa ng dragnet operation ang mga pulis at naispatan ang apat na suspek kaya hinarang nila ito subalit sa halip na tumigil ay pinaputukan ang mga awtoridad.

Nasamsam sa ‘crime scene’ ang mga basyo ng bala at cal. 38 mga baril na ginamit sa panghohol­dap ng mga suspek.

Nagsasagawa pa ng follow up operation ang mga awtoridad upang tugisin ang apat pang nakatakas na kasamahan ng mga napatay na holdaper. (Dolly Cabreza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *