4 heneral agawan sa AFP chief

SINO ang papalarin?

4 heneral agawan sa afp chief - 4 heneral agawan sa AFP chief
lorenza 1 - 4 heneral agawan sa AFP chief

SINO ang papalarin?

Nakahilera na ang limang heneral na umano’y pinagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging susunod na Armed Forces of the Phili­ppines (AFP) Chief of staff.

Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa isang text message kaugnay ng napipintong pagreretiro ni AFP Chief of Staff General Benjamin Madrigal sa Setyembre 28 ng taong ito.

Tumanggi naman si Lorenzana na ibunyag ang mga pangalan ng mga kandidato para sa pinakamataas na puwesto ng militar.

Ayon naman kay General Madrigal, ang lahat ng 3-star rank o mga major general ay kuwalipikado sa posisyon kaya 13 heneral ang kuwalipikado para pumalit sa kanyang puwesto sa nalalapit niyang pagreretiro.

“The next chief of staff is somebody who should be adept in our military campaign. Somebody who is, of course, familiar with the national task force and our problem on communist insurgency. And, of course, familiar with our peace process in the Bangsamoro region. And, of course, adept in our current challenges in terrorism,” dagdag ni Madrigal.

Mayroong 13 three star general sa ngayon ang AFP na kinabibila­ngan nina Army commander Lt. Gen. Macairog Alberto; Air Force commander Lt. Gen.

Rozzano Briguez; Navy flag officer in command Vice Adm. Robert­ Empedrad; Philippine Military Acade­my superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista; AFP chief of the directorial staff Lt. Gen. Erickson Gloria; AFP vice chief of staff Vice Adm. Gaudencio Collado Jr.; at AFP inspector gene­ral Lt. Gen. Antonio Ramon Lim.

Kontender din sina Northern Luzon Command chief Lt. Gen. Ramiro Rey; Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Gilbert Gapay; ­Western Command chief Vice Adm. Rene Medina; Central Command chief Lt. Gen. Noel Clement; Eastern Mindanao Command chief Lt. Gen. Felimon Santos Jr.; at Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana.

Matatandaang ang limang na-appoint na AFP chief of staff ni Pa­ngulong Duterte ay mula sa Philippine Army.

(Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *