4 barangay chairman sa Maynila iniimbestigahan sa korapsyon — Isko

Pananagutin ni Mayor Isko Moreno ang mga barangay chairman sa Maynila na mapapatunayang sangkot sa mga katiwalian at hindi tamang paggamit ng kanilang pondo.

The post 4 barangay chairman sa Maynila iniimbestigahan sa korapsyon — Isko appeared first on Abante News Online.

4 barangay chairman sa maynila iniimbestigahan sa korapsyon isko - 4 barangay chairman sa Maynila iniimbestigahan sa korapsyon — Isko
ABANTE isko 5 - 4 barangay chairman sa Maynila iniimbestigahan sa korapsyon — Isko

Pananagutin ni Mayor Isko Moreno ang mga barangay chairman sa Maynila na mapapatunayang sangkot sa mga katiwalian at hindi tamang paggamit ng kanilang pondo.

Ipinahayag ito ng alkalde sa kanyang pagdalo sa ‘Meet the Press’ forum ng National Press Club kung saan ibinunyag nito na may apat na barangay chairman ang kanilang iniimbestigahan makaraang ireklamo sa kanilang ginagawang katiwalian.

“May mga natanggap kaming reklamo sa ibang mga chairman na nagpapa-bidding, tapos kapag may nanalo na sa bidding ang gagawin nila, kasabwat ang kontraktor, kukunin nila ang budget tapos silang mga tiwaling chairman ang bibili ng proyekto,” ani Moreno.

Ilan pa sa mga reklamong nakarating sa alkalde ay ginagawang­ gatasan ng mga tiwaling barangay chairman ang declogging project kung saan malaking bahagi ng budget nito ay napupunta lamang sa bulsa ng ganid na opisyal.

Sinabi ni Moreno na hindi niya kukunsintihin ang mga maling gawain ng mga barangay chairman sa halip ay pangungunahan pa nito ang pagsasampa ng kaso laban sa mga tiwaling opisyal sakaling mapatunayan na sangkot sa anomalya hinggil sa maling paggamit ng kanilang pondo na para sana sa taumbayan.

(Mina Aquino)

The post 4 barangay chairman sa Maynila iniimbestigahan sa korapsyon — Isko appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *