4 araw special session sa budget bitin – Lagman

Bitin para kay Albay Rep. Edcel Lagman ang apat na araw na special session na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte para maaprubahan ang 2021 proposed Budget o General Appropriations Bill (HB No. 7727).

The post 4 araw special session sa budget bitin – Lagman first appeared on Abante.

4 araw special session sa budget bitin lagman - 4 araw special session sa budget bitin – Lagman
abante edcel lagman - 4 araw special session sa budget bitin – Lagman

Bitin para kay Albay Rep. Edcel Lagman ang apat na araw na special session na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte para maaprubahan ang 2021 proposed Budget o General Appropriations Bill (HB No. 7727).

Ayon kay Lagman, hindi sapat ang apat na araw para matiyak na maaprubahan sa ikatlong pagbasa ang panukalang Budget.

Sa halip ,hiling nitong dagdagan pa ng apat na araw mula Oktubre 19 to 22, 2020 ang sesyon upang mabigyan umano ng sapat na oras na maaksiyunan ng komite ang mga individual amendments sa panukala.

“There is need for the President to amend his call to accommodate four (4) more session days or for the Senate and the House to amend the legislative calendar,” ayon kay Lagman.

Kaugnay nito, hiling naman ni Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera, na payagan nang makadalo ng personal sa plenaryo ang mga kongresista sa gagawing special session.

“The 25-Member capacity limit in the session hall should already be lifted to allow House Members to physically attend session. Yamang yun ngang mga pampublikong lugar ay pinapayagan na ang mas malaking kapasidad para sa mas maraming tao.Mahalaga para sa bawat Kinatawan na madinig ang kanyang boses sa plenaryo ukol sa mga mahahalagang usapin nang walang pangambang maimu-mute siya,” ayon kay Herrera. (Eralyn Prado)

The post 4 araw special session sa budget bitin – Lagman first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *