4 ahensiya sanib-puwersa: Work permit sa dayuhan hihigpitan

Nagsanib-puwersa na ang apat na tanggapan ng pamahalaan para sa mas mahigpit na pag-iisyu ng work permit sa mga dayuhan na nais makapagtrabaho sa Pilipinas.

The post 4 ahensiya sanib-puwersa: Work permit sa dayuhan hihigpitan appeared first on Abante News Online.

4 ahensiya sanib puwersa work permit sa dayuhan hihigpitan - 4 ahensiya sanib-puwersa: Work permit sa dayuhan hihigpitan
work - 4 ahensiya sanib-puwersa: Work permit sa dayuhan hihigpitan

Nagsanib-puwersa na ang apat na tanggapan ng pamahalaan para sa mas mahigpit na pag-iisyu ng work permit sa mga dayuhan na nais makapagtrabaho sa Pilipinas.

Inihayag ito ni BI Commissioner Jaime Morente nitong Miyerkoles pagkatapos lumagda ang ahensya sa joint guidelines sa pagbibigay ng work at employment permit sa mga dayuhan.

Kasama sa kasunduan ang Department of Justice (DOJ), Department of Labor and Employment (DOLE) at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ipapatupad ang mga joint guideline dahil na rin sa tumataas na bilang ng mga dayuhang nagtatrabaho sa bansa partikular sa mga ‘emerging industry’ katulad ng online gaming.

“Ang lumang sistema ay madaling maabuso, kaya nakikita natin na kailangang higpitan ang ating mga regulasyon upang matiyak na ang mga trabaho na maaaring gawin ng mga Pilipino ay hindi ibibigay sa mga dayuhan,” pahayag pa nito.

Pinapayagan sa ilalim ng SWP ang isang dayuhan na may tourist status na magbigay ng serbisyo para sa isang maximum period na anim na buwan, at hindi saklaw ang isang dayuhan sa employer-employee arrangement.

“A permit would allow a foreigner extended business activities here up to 6 months—say for example transfer technologies or perform in concerts or shows in the Philippines, while a visa binds a foreigner as an employee by a company in the country,” ayon pa kay Morente.

Kailangan na rin aniya ng mga dayuhan ng katibayan na nagbayad sila ng buwis sa pagkuha ng visa at work permit. (Mina Aquino)

The post 4 ahensiya sanib-puwersa: Work permit sa dayuhan hihigpitan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *