39 katao inilibing sa truck

Nagbukas na ng murder investigation ang pulisya tungkol sa nadiskubreng 39 na bangkay sa isang truck container sa isang industrial park nitong Miyerkoles ng umaga.

39 katao inilibing sa truck - 39 katao inilibing sa truck
ABANTE crime scene - 39 katao inilibing sa truck

Nagbukas na ng murder investigation ang pulisya tungkol sa nadiskubreng 39 na bangkay sa isang truck container sa isang industrial park nitong Miyerkoles ng umaga.

Nakita ang mga bangkay sa sasakyan na nakaparada sa Waterglade Industrial Park sa Grays, Essex, sa England, ayon sa The New York Times report.

Pinaniniwalaang nagmula sa Bulgaria ang truck na nakapasok ng United Kingdom sa pamamagitan ng pagdaan sa Welsh port na Holyhead.

Ang regular ferry service ang nagkokonekta sa Holyhead sa Irish capital na Dublin.

Nadakip naman ang suspek na isang 25-anyos na Northern Irish truck driver na si Mo Robinson dahil sa hinihinalang murder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *