39 Chinese natagpuang bangkay sa truck sa London

KINUMPIRMA ng China’s foreign ministry na mga Chinese ang 39 na katao na nadiskubreng patay sa likod ng isang truck sa London.

39 chinese natagpuang bangkay sa truck sa london - 39 Chinese natagpuang bangkay sa truck sa London
ABANTE truck - 39 Chinese natagpuang bangkay sa truck sa London

KINUMPIRMA ng China’s foreign ministry na mga Chinese ang 39 na katao na nadiskubreng patay sa likod ng isang truck sa London.

Ayon sa South China Morning­ Post report, wala pang ibang detalye na inilabas hinggil sa insidente pero nakikipag-ugnayan na ang Chinese Embassy sa UK at maglalabas ng pahayag matapos maimbestigahan ang kaso.

Nauna nang kinumpirma ng British police na mga Chinese national ang natagpuang mga bangkay noong Miyerkoles sa isang truck na nakaparada sa industrial estate sa Essex.

Naaresto na rin ang suspek na isang 25-anyos na Northern Irish truck driver na si Mo Robinson dahil sa hinihinalang murder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *