36K baboy tinodas sa ASF outbreak

NAKAPASOK na ang African Swine Fever sa lalawigan ng Pampanga at umabot na sa 36,000 ang mga baboy na pinatay dahil sa ASF. Ito ay ayon sa Department of Agriculture Crisis Management Task Force on Swine Bulletin No. 10 na inilabas kahapon.

36k baboy tinodas sa asf outbreak - 36K baboy tinodas sa ASF outbreak
asf 1 - 36K baboy tinodas sa ASF outbreak

NAKAPASOK na ang African Swine Fever sa lalawigan ng Pampanga at umabot na sa 36,000 ang mga baboy na pinatay dahil sa ASF. Ito ay ayon sa Department of Agriculture Crisis Management Task Force on Swine Bulletin No. 10 na inilabas kahapon.

“To date, the DA crisis management task force on swine has reported that about 12,000 head of swine tested positive of ASF in more than 20 barangays in Rizal, Bulacan, Pampanga and Quezon City,” sabi sa bulletin.

Ayon sa bulletin, isa lamang sa bawat tatlong pinatay na mga baboy na nasa loob ng 1-kilometer radius kung saan may outbreak ang nagpositibo sa ASF.

“This represents one-third of the total depopulated pigs in “ground zero” or within the one-kilometer quarantine zones,” sabi ni CMTF head Reildrin Morales.

Hindi tinukoy ng Department of ­Agriculture kung aling mga bayan sa Pampanga ang may ASF.

Sabi ni Samahang­ Industriya ng Agrikultura chair Rosendo So, mahalaga ang mga check point para mapigilan ang pagkalat ng ASF at ang maagang pagre-report sa DA. Kahit na may 1-7-10 protocol, nakapaglabas pa rin ng baboy na may ASF sa Bulacan na dumaan pa sa Pampanga at ­Tarlac bago nakarating sa Pangasinan. Kung hindi dahil sa checkpoint ng Pangasinan, hindi mahihinto ang binabiyaheng mga baboy na sa Pangasinan na pinatay at binaon para hindi na kumalat pa.

Kung mahigpit na sinusunod ang protocol, hindi na dapat nakalabas pa ng Bulacan ang mga baboy na umabot sa Pangasinan at hindi rin ito dapat nakalusot sa Pampanga at Tarlac.

Nanawagan si Agriculture Secretary William Dar sa mga trader na huwag bumili ng mga baboy na may ASF at sa mga nag-aalaga ng baboy na huwag nang ibenta ang kanilang mga alaga na may ASF. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *