36 patay sa stomach flu sa Pangasinan

Umabot sa 36 katao ang nasawi dahil sa sakit na acute gastroenteritis o tinatawag ding stomach flu mula Enero hanggang Agosto, ayon sa Pangasinan Provincial Health Office (PHO).

36 patay sa stomach flu sa pangasinan - 36 patay sa stomach flu sa Pangasinan
ABANTE stoamch flu - 36 patay sa stomach flu sa Pangasinan

Umabot sa 36 katao ang nasawi dahil sa sakit na acute gastroenteritis o tinatawag ding stomach flu mula Enero hanggang Agosto, ayon sa Pangasinan Provincial Health Office (PHO).

Sa pahayag ni PHO officer Dr. Anna Ma. Te-resa de Guzman, nasa 21-percent ang pagtaas ng kaso ng nasabing sakit ngayong taon na nakatala ng 6,695 kumpara 5,533 na kaso noong 2018.

Ayon sa PHO, binabantayan nilang mabuti ang mga bayan sa n­asabing lalawigan gaya ng San Carlos City, M­angaldan, Bayambang, Calasiao at Alaminos dahil sa naitala nilang pinakamataas na kaso ng acute gastroenteritis na umabot sa 541, 432, 404, 337 at 290 na kaso.

Paalala ng PHO sa mga residente ng nasa-bing lugar, linisin ang nakilang tubig na iinumin.

“We should always check our water sources, and find ways in order to drink clean water,” saad ni De Guzman.

Pinaalalahanan din ni De Guzman na e-purify nila ang kanilang tubig na inumin upang patayin ang mga germs at parasites na siyang kumukun-tamina dito.

“The safest method of purification would be boiling water, although there are other alternatives,” ani ng opisyal. (A­llan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *