35 bahay sa Malabon natupok

Sa gitna ng pandemya, nawalan pa ng bahay ang nasa 100 pamilya sa Malabon City nang masunugan ang mga ito Sabado ng gabi.

The post 35 bahay sa Malabon natupok first appeared on Abante.

35 bahay sa malabon natupok - 35 bahay sa Malabon natupok
Sunog 1 - 35 bahay sa Malabon natupok

Sa gitna ng pandemya, nawalan pa ng bahay ang nasa 100 pamilya sa Malabon City nang masunugan ang mga ito Sabado ng gabi.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) alas-sais ng gabi nang magsimula ang sunog Bronze Street, Barangay Tugatog ng nasabing lungsod, at tumaas pa sa ikalawang alarma.

Dahil sa malakas na hangin at karamihan sa mga kabahayan sa lugar ay gawa sa light materials, mabilis na kumalat ang apoy at tinupok ang 35 kabahayan, bago pa dumating ang mga bumbero.

Pasado alas-otso ng gabi nang ideklara itong fire out.

Kwento ng ilang residente, posibleng cellphone diumano na naka-charge ang naiwan sa isang nakatira sa lugar at posibleng nag-over heat kaya sumiklab ang apoy. Kinukumpirma na ng mga mga arson investigator ang dahilan ng apoy at halaga ng pinsalang dinulot ito sa mga ari-arian.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa sunog at pansamantalang nasa covered court ang mga nasunugan. Pinapanatili pa rin ang physical distancing sa mga residente na nawalan ng bahay para hindi magkahawaan ng virus.

Panawagan ng mga nasunugan, tulungan sila ng pamahalaang lokal para sa mga pangunahin nilang pangangailangan tulad ng pagkain, gamot, damit at pagpapagawa ng mga nasunog nilang bahay. (Orlan Linde)

The post 35 bahay sa Malabon natupok first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *