34 bebot na pa-Saudi nasagip sa NAIA

NAHARANG ang may 34 kababaihan na magtutungo sana sa Saudi Arabia kung saan sila iligal na ni-recruit para magtrabaho bilang mga household service worker.

34 bebot na pa saudi nasagip sa naia - 34 bebot na pa-Saudi nasagip sa NAIA
NAIA3 1 - 34 bebot na pa-Saudi nasagip sa NAIA

NAHARANG ang may 34 kababaihan na magtutungo sana sa Saudi Arabia kung saan sila iligal na ni-recruit para magtrabaho bilang mga household service worker.

Ayon sa Bureau of Immigration, na-rescue ang mga biktima sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Pasakay na sana ang mga babae, na nasa pagitan ng edad 20 at 30 sa Saudi Airways flight patungong Riyadh noong Nobyembre 30.

Hindi sila pinayagang makalipad nang mapansin ng mga immigration officer ang iregularidad sa kanilang mga travel document.

Itinurn-over na ang kababaihan, na hindi na pinangalanan dahil sa prohibition sa Anti-Trafficking Law, sa Inter-Agency Council Against Trafficking para matulungan at maimbestigahan. (IS)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *