33 Pinoy sa Norwegian cruise ship sapol ng virus

Nagpositibo sa COVID-19 ang 36 na crew member ng isang Norweigan cruise ship kung saan 33 sa mga ito ay mga Pinoy.

33 pinoy sa norwegian cruise ship sapol ng virus - 33 Pinoy sa Norwegian cruise ship sapol ng virus
Norwegian cruise ship - 33 Pinoy sa Norwegian cruise ship sapol ng virus

Nagpositibo sa COVID-19 ang 36 na crew member ng isang Norweigan cruise ship kung saan 33 sa mga ito ay mga Pinoy.

Ayon sa Hurtigruten, ang kompanyang nagmamay-ari sa MS Roald Amundsen, ang tatlo pang tinamaan ng virus ay nagmula sa France, Germany at Norway. Naka-quarantine na sa barko ang mga nagpositibong empleyado at walang kasamang guest ang 158 crew member nang dumaong ito sa pantalan ng Norway noong Biyernes.

Samantala, isasailalim sa quaratine ang mahigit na 200 guest na lulan ng barko simula noong Hulyo 17 hanggang 24 bilang bahagi ng health standards ng Norwegian government.

Sinabi naman ng Hurtigruten na apat sa mga tauhan nilang nagpositibo sa nasabing virus ang dinala sa ospital para lubusang mabantayan.

Pumalo na sa 9,208 ang kaso ng COVID-19 sa Norway habang 256 na ang namatay sa sakit.Naitala ang unang namatay sa nasabing sakit noong Biyernes sa nakalipas na dalawang linggo.

Dahil sa pagbagsak ng industriya sa cruising, ipinagamit muna ng ilang shipowner ang kanilang mga barko bilang quarantine zone noong Abril at Mayo para sa mga positibong kaso.

Sinabi naman ng Hurtigruten na Marso pa lang ay ipinakansela na nila ang operasyon ng ilan nilang barko dahil sa pandemya. (Mia Billones)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *