33 patay sa sinunog na Kyoto anime studio

ITINUTURING na pinakamalalang arson attack sa nakalipas na dekada ang nangya­ring panununog umano sa isang animation studio sa Kyoto City, Japan na kumitil ng 33 buhay at kinasugat ng higit 30 katao.

The post 33 patay sa sinunog na Kyoto anime studio appeared first on Abante News Online.

33 patay sa sinunog na kyoto anime studio - 33 patay sa sinunog na Kyoto anime studio
ABANTE Kyoto anime - 33 patay sa sinunog na Kyoto anime studio

ITINUTURING na pinakamalalang arson attack sa nakalipas na dekada ang nangya­ring panununog umano sa isang animation studio sa Kyoto City, Japan na kumitil ng 33 buhay at kinasugat ng higit 30 katao.

Ayon sa mga paunang ulat, naganap ang insidente Huwebes nang umaga sa loob ng tatlong palapag na studio ng Kyoto Animation Co.

Dakong alas-10:30 nang umaga umano nang makarinig ng malakas na pagsabog ang mga katabing resi­dente na sinundan ng paglabas ng usok mula sa loob ng gusali ng kompaya.

Higit 30 truck ng bombero ang nagtulong-tulong para maa­pula ang apoy.
Nang mapasok ang gusali, tumambad na sa mga rescuer ang bangkay ng 12 lalaki, 20 babae at isa na hindi pa umano tukoy ang kasarian.

Sa tala, may 74 katao umano ang nasa loob ng gusali.

Hawak naman ng mga awtoridad ang isang lalaki na sinasabing nagsimula ng apoy. Dinala ito sa pagamutan makaraang magtamo ng pinsala dulot ng apoy bago isailalim sa imbestigasyon.

Nagpaabot naman ng Prime Minister Shinzo Abe sa mga naging biktima ng karu­mal-dumal na krimen.

Matatandaan na noong 2001 ay 44 katao ang nasawi ng sunugin ang isang gusali sa Kabukicho district sa Tokyo.

The post 33 patay sa sinunog na Kyoto anime studio appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *