30K manok inutas sa bird flu

Pinaslang ang abot sa 30,000 manok sa Pampanga dahil sa nakumpirmang pagkalat ng bird flu sa isang poultry sa farm sa nasabing probinsya.

30k manok inutas sa bird flu - 30K manok inutas sa bird flu
poultry - 30K manok inutas sa bird flu

Pinaslang ang abot sa 30,000 manok sa Pampanga dahil sa nakumpirmang pagkalat ng bird flu sa isang poultry sa farm sa nasabing probinsya.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), nireklamo ng isang may-ari ng farm bayan ng San Luis ang nangyaring biglaang pagkamatay ng kanyang mga alagang manok.

Nang suriin ng DA ang nasabing manukan ay dito nakita ang isang A(H5N6) strain ng avian flu, na nakakahawa sa mga tao.

Dahil dito’y kinailangan kitilin ang libo-libong manok para mapigilan ang pagkalat ng bird flu sa nasabing probinsya.

Ito ang ikalawang kaso ng bird flu sa bansa ngayong buwan, matapos na matagumpay na makontrol ng DA at local government ang nasabing virus sa Jaen, Nueva Ecija noong nakaraang linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *