30K Grab driver tigil-pasada ngayon

TINATAYANG 30,000 transport network vehicle service (TNVS) driver ang sasabak sa ‘transport holiday’ ngayong Lunes bilang protesta sa pagbabawal sa mga hatchback at mga ‘pahirap policy’ ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

The post 30K Grab driver tigil-pasada ngayon appeared first on Abante News Online.

30k grab driver tigil pasada ngayon - 30K Grab driver tigil-pasada ngayon
grab 6 - 30K Grab driver tigil-pasada ngayon

TINATAYANG 30,000 transport network vehicle service (TNVS) driver ang sasabak sa ‘transport holiday’ ngayong Lunes bilang protesta sa pagbabawal sa mga hatchback at mga ‘pahirap policy’ ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Jun de Leon, chairman ng Metro Manila Hatchback Community, ang mga driver na lalahok sa protesta ay mag-o-offline simula alas-sais nang umaga hanggang alas-siyete nang gabi.

Ipinaglalaban ng mga TNVS driver, ayon kay De Leon ang pagtanggal ng ban sa mga hatchback at mga polisiya na nagpapahirap sa mga driver na makakuha ng permit.

Ang hatchback umano ay dating pinahintulutan ng LTFRB na mamasada bilang TNVS hanggang 2021 alinsunod sa Memorandum Circular 2018-005 na inisyu noong nakaraang taon.

Subalit ngayon taon, bumaligtad ang LTFRB at pinagbawal ang hatchback dahil sa seguridad umano ng mga pasahero.

“Yan po ang kahilingan namin sa LTFRB na ipa­tupad ang memorandum circular na yan,” diin ni De Leon.

Hirap umano ang mga driver na makakuha ng provisional authority at certificate of public conveyance. Ang isa pang pahirap na requirement ay ang certificate of bank conformity para sa mga driver na ang unit ay inutang sa bangko.

May ilang bangko ang humihingi umano ng hanggang P149,000 para makapag-isyu ng certificate, habang ang iba ay hindi naman naglalabas.

Kasabay nito, nanawagan pa sa ibang TNVS Group ang Buhay Grab Group na makiisa sa isasagawang transport holiday para mapansin ng gobyerno ang kanilang karaingan.

Sasabayan ang transport holiday ng caravan at diyalogo sa pagitan ng Anti-Red Tape Act (ARTA) kaugnay sa hinaing ng mga TNVS operator alas-8:30 nang umaga sa Quezon City Memorial Circle.

Inimbita rin umano ng ARTA si LTFRB Chairman Martin Delgra na dumalo sa nabanggit na diyalogo.

Sa kabila ng transport holiday, nanawagan naman si Brian Cu, Presidente ng Grab Philippines, sa mga TNVS operator na huwag ng ituloy ang transport holiday ngayon araw.

“Most right decisions are unpopular decisions. I have spoken to some of the leaders and they understand that any “holiday” is not the answer. Having­ proper dialogue and conversation about the issues are the way to go. Sa lahat ng takot magbiyahe wag magalala, andito ang Grab sa likod niyo. Tuloy ang pag-uusap at pakikipag-ugnayan namin sa LTFRB,” ayon kay Cu.

Ang pahayag ni Cu ay binatikos ng ilang TNVS operator na nagsabing baka hindi kayang sagutin ni Cu ang P120,000 multa ng mga sasakyang mai-impound ng TNVS operator. Nalaman na tatlong TNVS Group ang TCLC, TAP at TNVR, ang nahikayat ni Cu na huwag lumahok sa transport holiday. (Juliet de Loza-Cudia)

The post 30K Grab driver tigil-pasada ngayon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *