302 huli sa vote buying, selling

MAHIGIT sa 300 katao ang dinampot makaraang mahuli sa akto ng vote buying at vote sel-ling sa iba’t ibang lugar sa bansa, ayon sa Phi-lippine National Police (PNP).

The post 302 huli sa vote buying, selling appeared first on Abante News Online.

302 huli sa vote buying selling - 302 huli sa vote buying, selling
vote 5 - 302 huli sa vote buying, selling

MAHIGIT sa 300 katao ang dinampot makaraang mahuli sa akto ng vote buying at vote sel-ling sa iba’t ibang lugar sa bansa, ayon sa Phi-lippine National Police (PNP).

“As of 1 p.m. today (Monday), the PNP National Election Monitoring Action Center (NEMAC), has recorded a total of 120 incidents with 302 violators,” sabi ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde sa press briefing sa Camp Crame.
Samantala, nasa 43 insidente ng election-related violence ang naitala habang 20 ang kaso ng pagpatay at 24 ang sugatan.

Nakapatala rin ang pambansang pulisya ng 374 insidente nang paglabag sa liquor ban at nasa 920 katao ang inaresto.

Sa pagbubukas ng botohan sa may 36,830 voting center sa buong bansa, masasabing payapa at tahimik umano ang halalan kahapon.

Habang sinusulat ang balitang ito, bandang hapon ay nasa anim pa mula sa 36,831 polling precints ang hindi nagbubukas dahil sa hindi paggana ng mga vote counting machines (VCM) sa Lanao del Sur.

Nasa 156 voting centers ang hindi nakapag-open sa takdang oras dahil sa malfunction ng VCM, SD card at sa kawalan ng election board bagama’t naresolba din agad.

Ilang pulis na dumaaan sa pagsasanay ang itinalaga bilang election officers sa ilang lugar partikular sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Northern Mindanao, Bicol Region and Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon). (Juliet de Loza/Vick Aquino/Edwin Balasa/Allan Bergonia)

The post 302 huli sa vote buying, selling appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *