300 LGU exec kinasuhan sa SAP – DSWD

Mayroon nang 300 opisyal ng mga local government unit (LGU) ang sinampahan ng kaso dahil sa iregularidad sa pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

300 lgu exec kinasuhan sa sap dswd - 300 LGU exec kinasuhan sa SAP – DSWD
dswd 1 - 300 LGU exec kinasuhan sa SAP – DSWD

Mayroon nang 300 opisyal ng mga local government unit (LGU) ang sinampahan ng kaso dahil sa iregularidad sa pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inihayag ito ni DSWD Undersecretary Rene Glen Paje sa Laging Handa briefing matanong sa liquidation report ng mga LGU para sa unang tranche ng SAP.

Ayon kay Paje, sa ngayon nasa 1,591 na mula sa 1,634 LGU ang nakapagsumite ng kanilang kumpleto o partial liquidation report at tuloy-tuloy na sinisikap ng DSWD na mapabilis pa ang proseso.

Tuloy din aniya ang pinaigting na pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga humahawak at nangangasiwa ng mga ganitong kaso ng iregularidad sa SAP.

Subalit ang Department of the Interior and Local Government (DILG) aniya ang nakasasakop sa mga LGU kaya ang nasabing kagawaran ang humahawak ng mga ganitong sitwasyon o anomalya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *