300 brand ng suka sinusuri ng DOH

AABOT sa may 300 local at imported brands ng mga suka na ipinagbibili sa bansa ang sinusuri na ngayon ng Department of Health (DOH) para matiyak kung gumagamit ba ang mga ito ng ipinagbabawal na sangkap.

The post 300 brand ng suka sinusuri ng DOH appeared first on Abante News Online.

300 brand ng suka sinusuri ng doh - 300 brand ng suka sinusuri ng DOH
vinega - 300 brand ng suka sinusuri ng DOH

AABOT sa may 300 local at imported brands ng mga suka na ipinagbibili sa bansa ang sinusuri na ngayon ng Department of Health (DOH) para matiyak kung gumagamit ba ang mga ito ng ipinagbabawal na sangkap.

Sinabi ni Health Undersecretary at Spokesperson Rolando Enrique Domingo, prayoridad nilang suriin ang mga lokal brand ng suka sa bansa.

Gayunman, hindi muna pinangalanan ni Domingo, na siya ring officer-in-charge (OIC) ng Food and Drugs Administration (FDA), ang mga naturang produkto.

Inaasahan ng DOH na mailalabas ang resulta ng pagsusuri sa susunod na linggo.

Matatandaan na isi­nagawa ang pagsusuri sa mga suka matapos na ibunyag ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) na 80 porsiyento ng mga suka na ipinagbibili sa bansa ay hindi gawa mula sa natural na mga sangkap at gumagamit lamang ng synthetic acetic acid.

Gayunman, sa kabila na nilinaw ni Domingo na ang synthetic acetic acid ay hindi masama sa kalusugan pero hindi pinapayagan ang paggamit nito sa bansa. (Juliet de Loza-­Cudia)

The post 300 brand ng suka sinusuri ng DOH appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *