30 araw GCQ: Turismo, concert, sinehan pwede na sa NCR

Pinanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) kabilang na ang mga lalawigan ng Bulacan at Batangas sa Luzon , at Bacolod City at Tacloban City sa Visayas hanggang September 30.

The post 30 araw GCQ: Turismo, concert, sinehan pwede na sa NCR first appeared on Abante.

30 araw gcq turismo concert sinehan pwede na sa ncr - 30 araw GCQ: Turismo, concert, sinehan pwede na sa NCR
abante concerts - 30 araw GCQ: Turismo, concert, sinehan pwede na sa NCR

Pinanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) kabilang na ang mga lalawigan ng Bulacan at Batangas sa Luzon , at Bacolod City at Tacloban City sa Visayas hanggang September 30.

Sinolo naman ng iligan City ang modified enhanced community quarantine (MECQ) status simula September 1 hanggang Septrember 30 dahil tumaas ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang mga natitirang lugar sa bansa ay isinailalim ng Pangulo sa modified general community quarantine (MGCQ).

Sinabi ni Roque na sa lahat ng community quarantine classifications, kailangan pa ring manatili sa bahay kung hindi rin lang mahalaga ang dahilan para lumabas.

Iniingatan pa rin aniya ng gobyerno ang pagkalat ng kontaminasyon sa COVID-19 para sa mga lugar na nagluwag na ng quarantine status kaya kailangan ang kooperasyon ng bawat Pilipino.

Sa ilalim ng MGCQ, sinabi ni Roque na bukas na ang operasyon ng transportasyon at 50% ay pupuwede na para sa public gathering.

Bukas na rin aniya sa ilalim ng MGCQ ang mga sinehan, concerts at sporting events subalit hanggang 50% lamang ang papayagang capacity, kasama na dito ang religious gatherings.

Maging ang turismo ayon kay Roque ay bukas na rin sa mga lugar na sakop ng MGCQ. (Aileen Taliping)

The post 30 araw GCQ: Turismo, concert, sinehan pwede na sa NCR first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *