3 tulak ‘di nakapalag sa mga pulis-Pasay

arrested-arestado-timbog-kulong

SA rehas na bakal ang bagsak ng tatlong hinihinalang drug pushers matapos na masakote ng mga tauhan ng Pasay City Police sa kanilang bahay na di kalayunan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lungsod ng Pasay kamakalawa ng gabi.

The post 3 tulak ‘di nakapalag sa mga pulis-Pasay appeared first on Abante News Online.

3 tulak di nakapalag sa mga pulis pasay - 3 tulak ‘di nakapalag sa mga pulis-Pasay
arrested arestado timbog kulong - 3 tulak ‘di nakapalag sa mga pulis-Pasay

SA rehas na bakal ang bagsak ng tatlong hinihinalang drug pushers matapos na masakote ng mga tauhan ng Pasay City Police sa kanilang bahay na di kalayunan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lungsod ng Pasay kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Police Co-lonel Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police , dakong alas-7:30 ng gabi nang mahuli sa kanyang bahay ang suspect na si Alvin Glen Talao,34, binata, jobless, nakatira sa No.4 , Begonia St., Rivera Village, NAIA, Pasay City samantalang magkasama namang nahuli ng mga awtoridad ang maglive-in partner na sina Manuel Herrera, 39-an-yos, alyas Tampulots at Ruby Ann Majarucon, 29-an-yos, pawang naninirahan sa 38 Carissa St., Rivera Village,NAIA,Pasay City.

Napag-alaman sa ulat ng Intelligence Division ng Pasay City Police na nakatanggap ito ng impormasyon mula kay Barangay Chairman Daniel ‘Dan’ Detera ng Barangay 199 Zone 20 na naging talamak na naman ang bentahan ng shabu sa kanilang lugar kung saan ay pinamumunuan ito ni Herrera na dati na ring nasangkot sa pagbebenta ng droga sa naturang barangay. (Armida D. Rico)

The post 3 tulak ‘di nakapalag sa mga pulis-Pasay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *