3 smuggler ng mga ibon arestado

arrested-tiklo

SWAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang nanghuhuli ng mga endangered species tulad ng ibon at butiki sa isang checkpoint as Barangay Buenavista, Tandag City sa Surigao del Sur kamakalawa.

3 smuggler ng mga ibon arestado - 3 smuggler ng mga ibon arestado
arrested tiklo - 3 smuggler ng mga ibon arestado

SWAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang nanghuhuli ng mga endangered species tulad ng ibon at butiki sa isang checkpoint as Barangay Buenavista, Tandag City sa Surigao del Sur kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Dante L. Toledo, 40-anyos, Joel C. Demoral, 38 at Jory C. Demoral, 51.

Ayon kay Police Regional Office 13 director, Brig. Gen. Joselito T. Esquivel Jr., nakatakdang kasuhan ang tatlong suspek ng paglabag sa RA 8485 o Animal Welfare Act of 1998.

Nakuha sa dalawang sasakyan ng mga suspek ang iba’t ibang mga species ng hayop na marami ay nanganganib na, kabilang dito ang parrot at exotic monitor lizard.

Mula umano sa Mati City sa Davao Oriental ang mga hayop at patungo sana sa Pasay City nang maharang ng mga awtoridad.

Wala umanong naipakitang mga dokumento ang tatlo para sa mga dala-dalang mga hayop kaya inaresto ang mga ito.

Nakikipag-ugnayan naman ang pulisya sa Department of Environment and Natural Resources para sa paghahain ng kaso laban sa mga suspek at tamang panga­ngalaga sa mga nakuhang endangered species.

Nasa kustodiya ng Surigao del Sur Police Provincial Office ang mga nadakip.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *