3 pinalayang OFW sa Libya walang ransom — DFA

Iginiit ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na walang binayarang ransom para mapalaya ang tatlong Pilipino engineer na binihag sa Libya.

The post 3 pinalayang OFW sa Libya walang ransom — DFA appeared first on Abante News Online.

3 pinalayang ofw sa libya walang ransom dfa - 3 pinalayang OFW sa Libya walang ransom — DFA
DFA2 - 3 pinalayang OFW sa Libya walang ransom — DFA

Iginiit ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na walang binayarang ransom para mapalaya ang tatlong Pilipino engineer na binihag sa Libya.

“No money passed. Not a friggin’ cent. What we had was far better; what we had and have forever were old friends abroad to help,” sinabi ni Locsin sa isang tweet.

Nakauwi na sa bansa noong Sabado, ang tatlong Pinoy, sadyang­ hindi pinangalanan para sa kaligtasan ng mga ito. Dinukot ang mga ito noong Hulyo 2018 kasama ang isang South Korean national na kasamahan nito sa project site na kanilang pinagtatrabahuan sa nasabing bansa.

Namagitan umano ang United Arab Emirates para mapalaya ang mga bihag mula sa Libyan National Army na pinamumunuan ni Khalifa Hifter.

Nang matanong naman kung maparurusahan ba ang mga dumukot sa mga Pinoy, sinabi ng kalihim na hindi na ito dapat isipin, at sa ngayon ay masaya ito sa pagpapalaya sa mga kababayan.

“Forget the consequences, we are ecstatic they were given back to us by foreign friends. Filipinos as such are never targeted because they are indeed valued for the good they do wherever they are, like in post-Shah Iran where they stayed and staffed the empty hospitals,” sabi pa ni Locsin.

The post 3 pinalayang OFW sa Libya walang ransom — DFA appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *