3 patay sa kilos protesta sa Chile

TATLONG katao ang namatay matapos masunog ang isang supermarket sa Santiago sa ikalawang gabi ng marahas na kilos protesta sa Chile.

3 patay sa kilos protesta sa chile - 3 patay sa kilos protesta sa Chile
ABANTE Chile - 3 patay sa kilos protesta sa Chile

TATLONG katao ang namatay matapos masunog ang isang supermarket sa Santiago sa ikalawang gabi ng marahas na kilos protesta sa Chile.

Ang dalawa ay namatay sa mismong nasunog na supermarket habang ang isa ay binawian ng buhay sa ospital.

Sumiklab ang protesta sa Chile dahil sa pagtaas ng pamasahe. Kahit pinatigil na ni President Sebastian Piñera ang dagdag pasahe, hindi naman tumigil ang mga riot sa kalsada.

Nagpatupad na ng state of emergency ang gobyerno at pinairal ang curfew.
Isa ang Chile sa maituturing na mayamang bansa sa Latin America pero umaangal ang mga mamamayan sa mataas nilang gastos sa pamumuhay.

Ilang daang sundalo at mga tangke ang pinadala sa Santiago, habang nagbarikada naman ang mga nagpoprotesta at sinilaban ang mga nakaparadang bus.

Higit 300 katao na ang inaresto at 156 pulis ang nasugatan, kabilang ang 11 sibil­yan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *