3 OFW na nandaya ng edad hinarang sa NAIA

PINIGIL ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlo pang overseas Filipino worker (OFW) na nagpatanda upang makapagtrabaho sa ibang bansa. Sa ulat ni BI port operations division chief Grifton Medina, ang tatlong OFW na pawang kababaihan ay naharang noong Linggo sa NAIA Terminal 1 habang pasakay sila ng Gulf Air flight papuntang Saudi […]

The post 3 OFW na nandaya ng edad hinarang sa NAIA appeared first on Abante News Online.

3 ofw na nandaya ng edad hinarang sa naia - 3 OFW na nandaya ng edad hinarang sa NAIA
Abante NAIA - 3 OFW na nandaya ng edad hinarang sa NAIA

PINIGIL ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlo pang overseas Filipino worker (OFW) na nagpatanda upang makapagtrabaho sa ibang bansa.

Sa ulat ni BI port operations division chief Grifton Medina, ang tatlong OFW na pawang kababaihan ay naharang noong Linggo sa NAIA Terminal 1 habang pasakay sila ng Gulf Air flight papuntang Saudi Arabia.

Hindi ibinunyag ang mga pangalan ng pasahero alinsunod na rin sa pagbabawal sa Anti-trafficking Law na ihayag sa publiko ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

“They all presented passports with false birthdates to make it appear that they meet the age requirement for household service workers which is 23 years and above,” ayon sa ulat ni Medina.

Ang kababaihan ay ibinigay sa kustodiya ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa karagdagang imbes­tigasyon.

Ayon sa BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) ng NAIA T-1 katulad ng kaso ng mga naunang OFW na nahuli nitong nakaraang linggo, nagpresinta rin ng valid overseas employment certificates, job contracts at working visas. Ngunit hindi tumugma sa impormasyon sa kanilang pasaporte.

Ang dalawa sa kababaihan ay nagsabi na sila’y 24 at 25 taong gulang, ngunit sa katunayan ay parehong silang 22-anyos habang ang isa ay nagsabi na siya’y 24-anyos ngunit ang totoong edad nito ay 20.

Noong Marso 13, naharang ng mga immigration officer ng BI sa NAIA 1 ang isang 21 taong gulang na babaeng OFW na nagpanggap sa edad na 25.

Ang insidente ang nag-udyok sa BI upang lalong higpitan ang pagsala sa lahat ng paalis na OFW upang matiyak na sila ay nasa sapat na gulang para sa pagtatrabaho sa ibang bansa. (Mina Aquino)

The post 3 OFW na nandaya ng edad hinarang sa NAIA appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *