3 NPA, 1 sundalo todas sa engkuwentro

UTAS ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) habang isang sundalo rin ang nasawi at dalawang iba pa ang sugatan sa naganap na engkuwentro ng dala­wang panig sa Sitio Buyoron, Barangay Buenavista, Himamaylan, Negros Occidental Huwebes nang hapon.

3 npa 1 sundalo todas sa engkuwentro - 3 NPA, 1 sundalo todas sa engkuwentro
ABANTE npa Palasyo 750x430 - 3 NPA, 1 sundalo todas sa engkuwentro

UTAS ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) habang isang sundalo rin ang nasawi at dalawang iba pa ang sugatan sa naganap na engkuwentro ng dala­wang panig sa Sitio Buyoron, Barangay Buenavista, Himamaylan, Negros Occidental Huwebes nang hapon.

Kinilala ang nasawing sundalo na si Private First Class Joel G. Farinas, na nagtamo ng bala sa dibdib at binti. Nasugatan na sina Sgt Froilan Tacosalem at Cpl Olive Porten, pawang miyembro ng 16th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army.

Habang inaalam pa ng awto­ridad ang pagkakakilanlan ng tatlong napatay na miyembro ng NPA.

Dakong alas-dos nang hapon nang magkasagupa ang mga sundalo mula sa 16th IB laban sa tinatayang mahigit 20 miyembro ng NPA. Tumagal ito ng mahigit sa 30 minuto bago umatras ang mga rebelde sa lugar at iwan ang tatlo nilang nasawing kasamahan.

Narekober ng mga tropa sa encounter site ang 500 basyo ng bala ng 40mm Grenade Launcher, AK47, M14 at M6O Machine gun; mga piyesa ng M16, at piyesang panggawa ng improvised explosive device (IED).

Patuloy naman ang hot persuit operation ng mga sundalo laban sa mga tumakas na mga NPA. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *