3 nangisay sa ngitngit ng kidlat

kidlat

Tatlo katao ang pawang nasawi sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Leyte at Camarines Sur matapos ang mga itong tamaan ng kidlat.

The post 3 nangisay sa ngitngit ng kidlat appeared first on Abante News Online.

3 nangisay sa ngitngit ng kidlat - 3 nangisay sa ngitngit ng kidlat
kidlat - 3 nangisay sa ngitngit ng kidlat

Tatlo katao ang pawang nasawi sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Leyte at Camarines Sur matapos ang mga itong tamaan ng kidlat.

Isa sa mga biktima ay isang magsasaka na kinilalang si Marvin Leonen.

Sinasabing habang nasa kasagsagan ng trabaho ay biglang bumuhos ang ulan kaya sumilong si Leonen sa isang maliit na kubol ngunit sa kasamaang palad ay kumidlat at tiyempong nasapul ang biktima na bagama’t sinugod sa ospital ay dineklara ring dead-on-arrival.

Nasawi naman ang isang Raymond Pesimo habang kritikal si Mazer Salik mula sa bayan ng Cabaman matapos tamaan ng kidlat sa puno kung saan sila nakasilong.

Sa Babatngon, Leyte ay natodas din sa kidlat sa gitna ng dagat ang mangingisdang si Diosdado Sabenario.

The post 3 nangisay sa ngitngit ng kidlat appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *