3 miyembro ng ASG dinakma sa Zamboanga

arrested-man

DINAKIP ang tatlong mi­yembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Zamboanga City, ayon sa ulat ng opis­yal ng pulisya kahapon.

The post 3 miyembro ng ASG dinakma sa Zamboanga appeared first on Abante News Online.

3 miyembro ng asg dinakma sa zamboanga - 3 miyembro ng ASG dinakma sa Zamboanga
arrested man - 3 miyembro ng ASG dinakma sa Zamboanga

DINAKIP ang tatlong mi­yembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Zamboanga City, ayon sa ulat ng opis­yal ng pulisya kahapon.

Ayon kay Police Brig. Gene­ral Froilan Quidilla, unang nadakip ang dalawang suspek na sina Jamil Ibrahim, alyas Jam/Mil/Malangka Diwasal, nasa hustong gulang, at Majuk Tahil Amil, alyas Juk/Jamal Taib, pawang residente ng Purok 1, Brgy. Arena Blanco.

Nabatid na dakong alas-11:00 nang umaga kamakalawa nang isilbi ang warrant of arrest laban sa dalawang suspek na inilabas ni Judge Leo Jay Principe ng Branch 1, Regional Trial Court, 9th Judicial Region, Isabela City sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention matapos na makasama ang mga ito sa Golden Harvest kidnapping incident sa Brgy. Tairann, Lantawan Basilan noong Hunyo 11, 2001.

Samantala, dakong alas-3:40 kamakalawa nang hapon nang maaresto naman ng awtoridad si Yong Hasim Aming, alyas Yong/Enjie/Ejemal sa pinagtataguan nitong bahay sa Tibak, Brgy. Divisoria ng nasabing lungsod.

Ang nasabing suspek ay sangkot din sa kasong kidnapping and serious illegal detention with ranson.

Ang mga nadakip na mga suspek ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Regional Intelligence Division 9 habang hinihintay ang pagdinig ng kaso nila sa korte. (Edwin Balasa)

The post 3 miyembro ng ASG dinakma sa Zamboanga appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *