3 magkakaanak patay sa sunog sa Tondo

Natusta ang tatlong magkakamag-anak habang dala­wang bata pa ang nasugatan nang makulong sa loob ng kanilang bahay na nasunog, kahapon nang umaga sa Tondo, Maynila.

3 magkakaanak patay sa sunog sa tondo - 3 magkakaanak patay sa sunog sa Tondo
ABANTE sunog 2 - 3 magkakaanak patay sa sunog sa Tondo

Natusta ang tatlong magkakamag-anak habang dala­wang bata pa ang nasugatan nang makulong sa loob ng kanilang bahay na nasunog, kahapon nang umaga sa Tondo, Maynila.

Nabatid kay Fire Insp. John Jalique, hepe ng Intelligence and Investigation ng Manila Fire Department, unang napaulat na nawawala ang mga biktimang sina Mara Beneza, 23-anyos, anak niyang si Leo Lance Tequillo, 4, at pamangking si Andrei Tequillo, 5, pero nang makontrol na ang apoy ay nakita ang kanilang sunog na katawan sa loob ng kanilang bahay na magkakayakap.

Habang dalawang bata pa na nasa edad 7 at 8 ang nagtamo ng first at second degree burns sa naganap na sunog.

Ayon naman kay FO1 Axel Ramos ng Manila-Bureau of Fire Protection (BFP), alas-6:17 nang umaga nang sumiklab ang sunog sa isang 2 palapag na residential building sa Hono­rio Lopez Boulevard sa Tondo.

Ayon kay Michelle Bacanza, kaanak ng mga biktima at residente rin sa lugar, hindi nakalabas ang mga biktima sa nasusunog nilang tahanan.

Nabatid na umabot lamang sa ikalawang alarma ang sunog at idineklarang fire out dakong alas-6:55 nang umaga.

Sampung bahay ang nadamay na nasunog, 20 pamilya ang nawalan ng tahanan at aabot sa P50,000 ang napinsalang ari-arian. Ina­alam pa ng mga im­bestigador ang sanhi ng naganap na sunog. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *