3 katao inararo ng lasing na lady driver

Sugatan ang tatlong babae habang limang motorsiklo ang nasira nang salpukin ng isang sport utility vehicle (SUV) na minamaneho ng diumano’y lasing na driver sa Pablo Ocampo cor. Adriatico St., Malate, Maynila kahapon.

3 katao inararo ng lasing na lady driver - 3 katao inararo ng lasing na lady driver
ABANTE crime scene - 3 katao inararo ng lasing na lady driver

Sugatan ang tatlong babae habang limang motorsiklo ang nasira nang salpukin ng isang sport utility vehicle (SUV) na minamaneho ng diumano’y lasing na driver sa Pablo Ocampo cor. Adriatico St., Malate, Maynila kahapon.

Kinilala ng Manila District Traffic Enforcement Unit ang mga biktimang sina Collein Ugale, 23-anyos; Maricel Cawili, 23; at Danica Dipitado, 21, na isinugod sa Ospital ng Maynila.

Dakong alas-tres nang madaling-araw nang magdire-diretso ang itim na SUV na may plate number na VFB-648 sa gate ng lote kung saan nakaparada ang motorsiklo at nakatigil ang mga biktima.

Damay pang naararo ang mga kuntador ng tubig na nakalagay sa lugar dahilan para masira at mawalan ng tubig ang nasa 20 kabahayan.

Nakilala ang driver na si Andrea Abdon, 25, at sinasabing nakainom umano ng alak.

Ayon sa ilang naka­kita, mabilis umano ang patakbo ng driver bago nangyari ang insidente.

Iniimbestigahan na ang driver at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to serious physical injury at dama­ges to property. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *