3 ektaryang sakahan sa agri graduate ibibigay

Tatanggap ng tig-tatlong hektarya ng farm lot ang mga nagtapos ng anumang agriculture course upang makapagsimula at magamit ang natutuhan sa kanilang propesyon, ayon sa Department of Agrarian Reform (DAR).

The post 3 ektaryang sakahan sa agri graduate ibibigay first appeared on Abante.

3 ektaryang sakahan sa agri graduate ibibigay - 3 ektaryang sakahan sa agri graduate ibibigay
farm lot - 3 ektaryang sakahan sa agri graduate ibibigay

Tatanggap ng tig-tatlong hektarya ng farm lot ang mga nagtapos ng anumang agriculture course upang makapagsimula at magamit ang natutuhan sa kanilang propesyon, ayon sa Department of Agrarian Reform (DAR).

Ayon kay DAR Secretary Brother John Castriciones, tiwala siyang ang mga graduate sa agriculture ay gagamitin ang mga lupang ibibigay sa kanila dahil magsisilbi ito bilang farm laboratory nila.

Dagdag ni Castriciones, ang insentibong ito ay magsisilbi rin umano upang magkaroon ng food security ang bansa. Mahihikayat din nito ang kabataan upang yakapin ang pagsasaka at maresolba ang tumatandang edad ng mga magsasaka.

Paliwanag niya, ang average age ng 11 milyong magsasaka ay 57. Kung magpapatuloy umano ito, maaaring maharap ang Pilipinas sa kakulangna sa mga magsasaka sa susunod na 15 taon.

Una rito, pinangunahan ni Castriciones ang distribusyon ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA) sa mga agrarian reform beneficiary sa Brgy. Bantay, Boac, Marinduque. Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Rodrido Duterte na mapabilis ang pamamahagi ng mga lupang sakahan bago matapos ang kanyang termino sa 2022. (Prince Golez)

The post 3 ektaryang sakahan sa agri graduate ibibigay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *