3 dayuhan buking sa bogus passport

NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong dayuhan na nagtangkang umalis sa bansa na may mga pekeng pasaporte at visa.

The post 3 dayuhan buking sa bogus passport appeared first on Abante News Online.

3 dayuhan buking sa bogus passport - 3 dayuhan buking sa bogus passport
Abante Bureau of Immigration - 3 dayuhan buking sa bogus passport

NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong dayuhan na nagtangkang umalis sa bansa na may mga pekeng pasaporte at visa.

Ayon kay BI port ope-rations division chief Grifton Medina, ang mga pasahero ay nahuli sa NAIA 2 terminal noong June 28 at 29 habang naglalakbay sa Maynila papunta sa kanilang mga foreign destination.

Sinabi ni Medina na dalawa sa mga pasahero ay mag-asawang Palesti-nian na sina Yousef Hilles at Nour Muamar, na naharang noong Martes nang gabi habang pasa-kay ng isang Malaysian flight, gamit ang pekeng United Arab Emirates passports na may huwad na Philippine immigration arrival at departure stamps.

Ang isa pang pasaherong Senegalese national na si Fallou Thiam ay nagtangkang umalis papuntang Toronto noong Miyerkoles nang umaga na may pekeng Canadian visa sticker sa kanyang pasaporte.

Babala aniya ito para sa mga dayuhan na ginagamit ang Pilipinas para makarating sa destinasyon nitong bansa,
Ayon sa BI travel control and enforcement unit (TCEU), umamin ang mag-asawang Palesti-nian na ang kanilang pekeng UAE passport ay binayaran ng US $10,000.

Nakuha naman ni Thiam ang kanyang pekeng visa mula sa isang kaibigan na nagtatrabaho sa Canadian embassy sa Senegal.

Ang tatlong dayuhan ay pinabalik sa kanilang port of origin at isinama sa talaan ng blacklist ng BI upang hindi na makapasok ng Pilipinas. (Mina Aquino)

The post 3 dayuhan buking sa bogus passport appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *