3 Chinese huli sa walang permit na bodega

ARESTADO ang tatlong Chinese national matapos mahulian na nagtatago ng mga pekeng karton ng filter na ginagamit sa paggawa ng sigarilyo at tinta ng pentel pen sa isinaga­wang inspeksyon ng mga ope­ratiba sa inu­pahang warehouse na walang kaukulang permit sa Minante 2, Cauayan City, Isabela noong Sabado.

3 chinese huli sa walang permit na bodega - 3 Chinese huli sa walang permit na bodega
arrest 7 - 3 Chinese huli sa walang permit na bodega

ARESTADO ang tatlong Chinese national matapos mahulian na nagtatago ng mga pekeng karton ng filter na ginagamit sa paggawa ng sigarilyo at tinta ng pentel pen sa isinaga­wang inspeksyon ng mga ope­ratiba sa inu­pahang warehouse na walang kaukulang permit sa Minante 2, Cauayan City, Isabela noong Sabado.

Kinilala ni Caua­yan City Police Station (CCPS) chief of police P/Lt. Col. Gerald Gamboa ang mga suspek na sina Wuliang Zhuang, Yuerong Shui, at Wang Zai Zhou, pawang mga negosyante.

Ayon kay Gamboa, isinagawa nila ang inspeksyon kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency-Cauayan matapos na magsumbong ang mga concerned resident ng barangay hinggil sa kahina-hinalang operasyon ng bodega na maging ang may-ari umano ng gusali ay hindi pinapapasok.

Mahigit isang linggo umanong sinubayba­yan ang mga Chinese national at ang akti­bidad sa paligid ng bodega. Nang makumpirma ang kanilang hinala ay isi­nagawa ang ope­rasyon.

Ayon sa hepe, bagama’t negatibo sa iligal na droga ang bodega ay ilalagay muna nila sa kanilang kustodiya ang mga nahuling Chinese national dahil wala silang business permit para sa kanilang operasyon. (Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *