3 branch ng Chinese resto pinadlak ng BIR

Isinara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang tatlong sangay ng Chinese restaurant dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.

3 branch ng chinese resto pinadlak ng bir - 3 branch ng Chinese resto pinadlak ng BIR
BIR 4 - 3 branch ng Chinese resto pinadlak ng BIR

Isinara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang tatlong sangay ng Chinese restaurant dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.

Pinangunahan nina Revenue District Officer Frederico Pilarca at Assistant RDO Joe Soriano ng Revenue District Office No. 49 ang pagsara ng Xiang Man Lou sa Salamanca corner Eduaque Street sa Barangay Poblacion sa Makati City pati na mga sangay nito sa Bagtikan Street, San Antonio sa Makati rin at sa PNB Financial Center sa Macapagal Boulevard sa Pasay City sa ilalim ng Oplan Kandado.

Setyembre minanmanan ng BIR RDO 49 ang Xiang Man Lou at natuklasan nitong hindi rehistrado ang POS machine nito na mas kilala bilang cash register kaya’t hindi deklarado lahat ng benta nito.

Ayon sa BIR, mahigit 30% ng benta ang hindi deklarado kaya’t nadadaya ang VAT at income tax nito.

Sa ilalim ng Oplan Kandado, maaaring ipasara ang isang negosyo ng limang araw o higit pa pag hindi ito nagparehistro sa BIR o pag hindi ito nagbibigay ng resibo. Maaari ring ipasara kung hindi tama ang dinedeklara at hindi nagbabayad ng VAT.

Ayon kay BIR Regional Director Maridur Rosario, binigyan ang Xiang Man Lou ng 48-oras para magpaliwanag bilang pagsunod sa due process at limang araw para ayusing ang kakulangang VAT pero dinedma ito ng restawran.

Ang closure order ay pirmado ni BIR Deputy Commissioner Arnel SD Guballa. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *