3 batang estudyante naaktuhang bumabatak

marijuana-abante

KALABOSO ang apat na lalaki kabilang ang tatlong menor de edad na estudyante matapos silang mahuli habang sumisinghot ng marijuana noong Martes sa Zone 3, Bangued, Abra.

3 batang estudyante naaktuhang bumabatak - 3 batang estudyante naaktuhang bumabatak
marijuana abante - 3 batang estudyante naaktuhang bumabatak

KALABOSO ang apat na lalaki kabilang ang tatlong menor de edad na estudyante matapos silang mahuli habang sumisinghot ng marijuana noong Martes sa Zone 3, Bangued, Abra.

Kinilala ng Bangued Municipal Police Station (BMPS) ang suspek na si Jewel Guinsay, 20, at tatlong batang mga estudyanteng hindi na pinangalanan na ipinasakamay sa Bangued Municipal Social Welfare Development Office.

Ayon sa BMPS, tumawag ang isang concerned citizen sa himpilan ng BMPS at sinabing bumabatak ng marijuana ang mga suspek.

Agad na rumesponde ang mga pulis at naaktuhan ang grupo kaya dinakip.

Narekober kay Guinsay ang isang pakete ng marijuana at drug paraphernalia na gamit sa kanilang pot session. (Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *