3-anyos hinalay ng construction worker

ABOT–langit ang galit ng mga magulang at kaanak ng isang 3-anyos na batang babae, sa construction worker na humalay sa paslit kamakalawa nang hapon sa Valenzuela City.

The post 3-anyos hinalay ng construction worker appeared first on Abante News Online.

3 anyos hinalay ng construction worker - 3-anyos hinalay ng construction worker
sexual - 3-anyos hinalay ng construction worker

ABOT–langit ang galit ng mga magulang at kaanak ng isang 3-anyos na batang babae, sa construction worker na humalay sa paslit kamakalawa nang hapon sa Valenzuela City.

Nakakulong ngayon sa Valenzuela Detention Cell si Jayjay Galvez, 18, ng No. 449 West Road, Parada ng nasabing lungsod.

Ang tiyuhin ng biktima na si Bermardo Carreon ang kakatawan sa husgado para sa mga pagdinig sa kaso.

Ayon sa report ng Womens and Children’s Concerned Desk (WCPD) bandang alas-dos nang hapon, naglalaro daw sa labas ng bahay ang biktima na itinago sa pangalang `Lovely.’

Nakita ito ng suspek at dinala sa loob ng bahay nito.

Doon na ginawan ng kahalayan ang bata, kungsaan ipinasok nito ang daliri sa kaselanan ng bata.

Matapos iyon, umuwi ang biktima at isinumbong sa ina ang ginawa ni Galvez, kaya humingi ito ng tulong sa Police Community Precinct (PCP) 10 at dinakip ang suspek.

Nahaharap sa kasong statutory rape si Galvez. (Orlan Linde)

The post 3-anyos hinalay ng construction worker appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *