2M pusa totodasin sa Australia

Tinatayang 2 milyong pusang gala ang totodasin sa Australia pagsapit ng taong 2020.

The post 2M pusa totodasin sa Australia appeared first on Abante News Online.

2m pusa totodasin sa australia - 2M pusa totodasin sa Australia
Abante 2019 Pusa - 2M pusa totodasin sa Australia

Tinatayang 2 milyong pusang gala ang totodasin sa Australia pagsapit ng taong 2020.

Sa tantiya ng gobyerno, nasa 2 hanggang 6 na milyon ang mababangis na pusa sa Australia.

Sa northeastern state ng Queensland, nag-alok pa ang konseho ng pabuyang $10 sa bawat mapapatay na pusa.

Maging sa katabing bansang New Zealand, gusto na rin nilang kontrolin ang populasyon ng pusa sa kanilang bansa.

Pangunahing dahilan nila ay dahil sa pinapatay ng mga pusang gala ang maliliit na hayop tulad ng daga, reptiles at mga ibon.

Mayroon na umanong 1 milyong native na ibon at 1.7 milyong reptiles ang pinapatay ng mga pusang gala kada araw.

Dahil dito, apektado na ang populasyon ng brush-tailed rabbit-rat at mga golden bandicoot.

Umangal naman ang People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) sa giyera kontra pusa ng Australia.

The post 2M pusa totodasin sa Australia appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *