2K rapist, drug lord ibalik sa Bilibid!

MATIGAS ang utos ng Malacañang kay Bureau of Correction (BuCor) director Nicanor Faeldon na ibalik sa New Bilibid Prison (NBP) ang may 2,000 bilanggo na karamihan ay mga rapist, killer kasama na ang 48 drug lord na nakinabang na sa Good Conduct Time Allo­wance Law (GCTA) na ipinatutupad.

2k rapist drug lord ibalik sa bilibid - 2K rapist, drug lord ibalik sa Bilibid!
bucor - 2K rapist, drug lord ibalik sa Bilibid!

MATIGAS ang utos ng Malacañang kay Bureau of Correction (BuCor) director Nicanor Faeldon na ibalik sa New Bilibid Prison (NBP) ang may 2,000 bilanggo na karamihan ay mga rapist, killer kasama na ang 48 drug lord na nakinabang na sa Good Conduct Time Allo­wance Law (GCTA) na ipinatutupad.

“Obviously dapat makabalik sila sa kulungan until they serve the full term of their service,” diin pa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo
Iginiit ni Panelo na malinaw ang nakasaad sa GCTA law na hindi kasama sa mga dapat mapalaya ang mga nakagawa ng heinous crimes.

“That cannot be done because the law is very clear. Republic Act 10592 is very clear that those charged and convicted of heinous crimes, escapees, habitual delinquency, recidivists are not covered by the law,” dagdag pa ni Panelo.

“They can be rearrested and sent back (to the state penitentiary),” sabi ni Panelo sa press briefing sa Beijing.

Malinaw aniya ang patakaran ni Pangulong Rodrigo Duterte na sundin kung ano ang nakasaad sa batas.

“Basta the President at the inception of his career as a public official, his slogan is what the law is, just follow it,” wika pa ni Panelo.

Samantala, lubhang naalarma si Puwersa ng Baya­ning Atleta party-list Cong Jericho Nograles na nasa 800 heinous crime convicts ang pinakawalan ni Faeldon noong 2018.

Sa isang interview sa DZBB, ibinunyag ni Nograles na nasa 816 inmates na Bilibid ang napakawalan sa ilalim ng GCTA provision sa ilalim ng Republic Act 10592.

“Ang lumalabas 800 convicts ang pinalabas under the Bureau of Corrections under dito kay Director Faeldon,” sabi ni Nograles.

Nasa 42% umano ng 1,555 preso na nahatulan sa rape at pagpatay ay napakawalan mula 2014 hanggang Agosto 2019.

“Ang Top 2 na pinakawalan, rapists and murderers,” lahad ni Nograles.
Nasa 22,029 inmates mula sa iba’t ibang kulungan sa bansa ang napakalawan gamit ang GCTA simula nang ipatupad ito noong 2013.

Sa panunungkulan ni Faeldon, mula Enero hanggang Agosto 2019, nasa 3,756 na ang napalaya, na inaasahang mas malaki sa 3,932 na na-release noong 2018.
Nabunyag ang lahat ng ito sa tangkang pagpapalaya kay convicted Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez. (Aileen Taliping/JC Cahinhinan/Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *