29 taon wanted sa homicide nadakma sa Romblon

arrested-tiklo

TIKLO matapos ang dalawangpu’t siyam taong pagtatago sa batas ang lalaki na suspek sa kasong pagnanakaw at pagpatay sa isang miyembro ng Phili­ppine Marines noong 1989 sa Puerto Princesa, Palawan.

The post 29 taon wanted sa homicide nadakma sa Romblon appeared first on Abante News Online.

29 taon wanted sa homicide nadakma sa romblon - 29 taon wanted sa homicide nadakma sa Romblon
arrested tiklo - 29 taon wanted sa homicide nadakma sa Romblon

Ni Paul ­Jaysent Fos

TIKLO matapos ang dalawangpu’t siyam taong pagtatago sa batas ang lalaki na suspek sa kasong pagnanakaw at pagpatay sa isang miyembro ng Phili­ppine Marines noong 1989 sa Puerto Princesa, Palawan.

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si Roberto Teologo, 54.
Si Teologo umano ang suspek sa pagnanakaw at pagpatay kay Sgt. Ernesto Suelo sa VRC Airstrip Post sa WESCOM.

Nadakip si Teologo noong Huwebes nang hapon sa Sitio Cambiao, Brgy. Guinbirayan, Santa Fe, Romblon kung saan siya umano huling nagtago.

Dala ang isang Warrant of Arrest na nilabas ng Regional Trial Court Branch 50 Puerto Prince­sa City laban sa suspek dahil sa kasong Roberry with Homicide.

Nakarating rin umano sa ibang bansa ang suspek para lang makapagtago sa batas.

The post 29 taon wanted sa homicide nadakma sa Romblon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *