28M estudyante dusa sa online learning

Nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian sa mga wholesale bandwidth providers na mamuhunan sa mga probinsya at palakasin ang internet connection para sa distance learning ng mga estudyante.

The post 28M estudyante dusa sa online learning first appeared on Abante.

28m estudyante dusa sa online learning - 28M estudyante dusa sa online learning
abante student - 28M estudyante dusa sa online learning

Nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian sa mga wholesale bandwidth providers na mamuhunan sa mga probinsya at palakasin ang internet connection para sa distance learning ng mga estudyante.

Ito’y matapos nitong mapag-alamang ang mga telecommunications companies sa mga probinsya ay may bilis lamang na 2 megabits per second (Mbps) hanggang 20 Mbps para sa internet service.

“Sadyang napakabagal nito, samantalang ang minimum speed para sa video streaming ay nasa 3 Mbps,” sabi ni Gatchalian.

Ayon sa senador, hindi ito sapat para kayanin ang video streaming ng mga guro, bagay na ikinabahala ni Gatchalian lalo pa’t dito nakadepende ang halos 28 milyong estudyanteng papasok sa October 5.

“Sa pagbubukas ng mga eskuwelahan, may 24.5 milyon na kinder hanggang senior high school at 3.4 milyon na nasa tertiary level na nakadepende sa internet connectivity, maitawid lamang ang kanilang mga aralin,” sabi ni Gatchalian.

“At kung sabay – sabay na silang mag online o kapag inabot na ang peak hours, magkakaroon ng internet congestion at mas babagal pa ang internet connection,” sambit pa nito.

“Sa ganitong sitwasyon, ang nakikita nating solusyon ay kumuha ng bultuhang bandwidth ang mga maliliit na telcos sa service providers para sa mas maayos na internet service dahil makakapag-engganyo ito ng kompetisyon sa industriya at malaki ang posibilidad na bumaba ang presyo sa merkado,” ayon pa sa senador. (Dindo Matining)

The post 28M estudyante dusa sa online learning first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *