2,600 klasrum winasak ng bagyo, baha

May kabuuang 1,532 mga eskuwelahan ang naapektuhan kung saan 1,087 ang totally damaged at 1,547 naman ang may major damage, ayon kay Senadora Pia Cayetano.

The post 2,600 klasrum winasak ng bagyo, baha first appeared on Abante.

2600 klasrum winasak ng bagyo baha - 2,600 klasrum winasak ng bagyo, baha
Cayetano 3 - 2,600 klasrum winasak ng bagyo, baha

May kabuuang 1,532 mga eskuwelahan ang naapektuhan kung saan 1,087 ang totally damaged at 1,547 naman ang may major damage, ayon kay Senadora Pia Cayetano.

Sa deliberasyon ng panukalang 2021 budget ng Department of Education (DepEd), sinabi pa ni Cayetano, sponsor ng budget ng ahensiya, mahigit P3.5 bilyon ang kakailangan para sa repair ng mga nasirang paaralan at klasrum.

Gayunpaman, humiling na ang DepEd na sa Department of Budget and Management na makakuha ng pondo mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund.

Sabi pa ni Cayetano, isusulong niya na magkaroon ng amendment sa budget bill para matugunan ang naturang problema.

Mahigit P14 bilyon ang binawasan na pondo para sa basic education facility base sa kasalukuyang bersiyon ng panukalang DepEd budget. Sa 2020 General Appropriations Act, P29.5 bilyon ang inilaan para rito. (Dindo Matining)

The post 2,600 klasrum winasak ng bagyo, baha first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *