26 utas sa Guimaras sea tragedy

UMAKYAT sa 26 katao ang kumpirmadong patay, 5 ang nawawala habang 59 na iba pa ang nasagip matapos lumubog ang tatlong passenger vessel sa magkakahiwalay na lugar sa Guimaras Strait sa pagitan ng Parola at Jordan Wharf sa Iloilo City.

26 utas sa guimaras sea tragedy - 26 utas sa Guimaras sea tragedy
abante Guimaras - 26 utas sa Guimaras sea tragedy

UMAKYAT sa 26 katao ang kumpirmadong patay, 5 ang nawawala habang 59 na iba pa ang nasagip matapos lumubog ang tatlong passenger vessel sa magkakahiwalay na lugar sa Guimaras Strait sa pagitan ng Parola at Jordan Wharf sa Iloilo City.

Ito ay base sa update na ipinadala kahapon ng Police Regional Office (PRO) 6, Iloilo City Disaster and Risk Reduction and Management Council at Office of Civil Defense.

Kinilala ang ilan sa mga nasawi na sina Lourdes Gasangan, Jairus Alejado, Angelita Basco, Ma.Rachel Alip Solteris, 18 at Claire Faith Geraldo, 32-anyos.

Habang dinala naman sa pinakamalapit na ospital sina Teresita Galvi, 58; Felipe Gayomali, 61; Ryan Tamagos, 20; Anastacio Tamagos II, 24; Argie Calliet; Felimina Peres, 45; Jonel Casipe 33; Fred Malayo, 42; Jime Emusa, 20; Alvin Ronzales 19; Rodita Artilua, 39; John Cristian Haba, 11; Mie Esponilla, 21; Sisilio Paderes, 50; Jefrey Premaran, 28; Ferjohn Bisa, 20; Niel Jeine Gabanera; Jorry Gampay, 40; Jan Christian Java; Cecilio Taberos; Mia Espenola; Junnele Casipe; John Paul Togonon; Argie Jame Callet; Jay Elechicon; Aliya Dagohoy at Jermie Gambosa.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lumalabas na naganap ang unang insidente dakong alas-12:15 nang tanghali nitong Sabado sa kahabaan ng Guimaras Strait na kinasasangkutan ng MB Chi-Chi at MB Keziah.

Napag-alaman na lulan ng 43 pasahero at 4 na crew ang MB Chi-Chi patungo sana ng Guimaras mula sa Iloilo habang ang MB Keziah naman na may apat na crew ay binabagtas ang pasalubong paglalayag nang hampasin ang mga ito ng malalaking alon dahilan upang lumubog ang mga ito.

Labing-isang pasahero mula sa MB Chi-Chi ang kumpirmadong nasawi, isa ang nawawala habang 35 naman sa mga sakay nito ang nailigtas habang nakaligtas naman ang apat na crew ng MB Keziah.

Ang ikatlong insidente ng paglubog ng passenger vessel na Jennyville ay naitala dakong alas-3:30 nang hapon kung saan may dala itong 34 na pasahero at limang crew. Bagama’t marami ang nailigtas ng sumaklolong Philippine Coast Guard, marami rin ang naiulat na nasawi.

Nitong Linggo nang umaga, nakita ang 10 bangkay sa ilalim ng lumubog na bangka nang dalhin ito sa Naluoyan Port sa bayan ng Dumangas, habang ang isa naman ay nakitang palutang-lutang naman sa dagat. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *