25K libreng green cards sa modern PUVs pinamudmod ng transport group

Sa promo rate na 30 pesos para sa load at card ng isang transport koop sa Las Piñas ay nakapagbigay ito ng libreng card sa 25,375 na pasaherong sumasakay sa kanilang mga solar electric jeepneys na tumakabo sa ruta ng Alabang-Zapote.

The post 25K libreng green cards sa modern PUVs pinamudmod ng transport group first appeared on Abante.

25k libreng green cards sa modern puvs pinamudmod ng transport group - 25K libreng green cards sa modern PUVs pinamudmod ng transport group
Alabang Zapote - 25K libreng green cards sa modern PUVs pinamudmod ng transport group

Sa promo rate na 30 pesos para sa load at card ng isang transport koop sa Las Piñas ay nakapagbigay ito ng libreng card sa 25,375 na pasaherong sumasakay sa kanilang mga solar electric jeepneys na tumakabo sa ruta ng Alabang-Zapote.

Sinabi ni Jun Saw, Chairman ng South Metro Transport Cooperative (SMTC), na ginawa ng kanilang koop ang promo ng green card para maipatupad ang cashless transaction sa gitna ng pandemya.

“Isinulong namin ang 100% cashless system para huwag lumaganap ang COVID-19 sa mga pampublikong transportasyon,” sabi ni Saw. “Dati, pwede ang pera at card, pero noong Hunyo, sinimulan na namin ang cashless system sa aming mga yunit. Pero para magaan sa mga pasahero, tinanggal namin ang bayad sa card at ibinaba ang minimum load sa P30. Kaya sa promo, P30 lang ang ibinadyad nila pero may card ka na na may laman ng P30 pambayad ng pamasahe.”

Isinagawa ng SMTC ang promo mula Hunyo 29 hanggang Agosto 3 pero ibinalik na nila sa original price na P60 na kasama ang card at P30 na load. Ang green cards ay ibinebenta sa mga kooperatiba ng Innov8 Green, isang subsidiary ng Star 8 Green Technology Corporation, ang manufacturer ng low-carbon units ng SMTC.

Ayon kay Lino Pastoral, Star8 Fleet Manager at general manager sa pagpapatupad ng cashless system sa mga yunit ng SMTC, mahigit sa kalahati ng kanilang mga pasahero ang bumili noong may promo at sinimulan nila itong gamitin bilang Automated Fare Collection System (AFCS) na ginawa ng Star8 chief operating officer na si Nathaniel Kremer noong Abril 2019.

Dagdag pa ni Pastoral, pinadali ng SMTC ang pagbili ng mga komyuter ng card mula sa mga booth na available sa terminal at sa City Hall ng Las Piñas, pati na din sa drop off points pati na din sa kanilang mga drayber. Nagbibigay din ang kooperatiba ng discount card para sa mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs).

“Patuloy naming tinuturuan ang mga pasahero sa tamang paggamit ng green card at mga pakinabang sa paggamit ng cashless transaction,” sabi ni Pastoral. “Sa aming koop, mas madali din ang operasyon. Ang makina sa bawat yunit namin ay may rekord ng nakolektang pasahe at time in at time out ng mga drayber. Nakikita din sa makina ang sitwasyon ng trapiko, nabibilang ang mga pasahero at may heatmap pa na nagbibigay ng signal sa mga lugar sa aming ruta na maraming pasahero,” sabi ni Pastoral.

“Sa mga komyuter, mas ligtas dahil walang direktang kontak sa mga drayber,” paliwanag ni Pastoral. “Mas maginhawa din na hindi na sila maghahanap pa ng barya. Isang card lang na may load na pamasahe ang kailangan mo at mababantayan mo pa pati ang gastos mo sa pamasahe.”

The post 25K libreng green cards sa modern PUVs pinamudmod ng transport group first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *