25 pulis-Antipolo kinasuhan ng grave misconduct

SINAMPAHAN ng lokal na pamahalaan ng Antipolo City ng kasong grave misconduct ang 25 pulis kung saan tatlo sa mga ito ay suspendido na.

25 pulis antipolo kinasuhan ng grave misconduct - 25 pulis-Antipolo kinasuhan ng grave misconduct
ABANTE Antipolo - 25 pulis-Antipolo kinasuhan ng grave misconduct

SINAMPAHAN ng lokal na pamahalaan ng Antipolo City ng kasong grave misconduct ang 25 pulis kung saan tatlo sa mga ito ay suspendido na.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ito’y bilang pakikiisa na rin nila sa cleansing operations ng Philippine National Police.

Sa datos na isinumite ng People’s Law Enforcement Board sa tanggapan ni Mayor Andeng Ynares, umabot sa 25 na kapulisan ang kinasuhan ng grave misconduct simula pa noong 2016, tatlo dito na napatunayang may kasalanan ay suspendido na.

“Kailangan po nating maghigpit sa mga ganitong kaso dahil malaki ang tungkulin ng ating mga kapulisan na mabigyan tayo ng proteksyon mula sa mga masasamang elemento at sila rin po ang ating inaasahan na magpapanatili ng kapayaan at kaayusan sa ating komunidad,” pahayag ni Ynares
“Kaya po kapag may nireklamo sa ating kapulisan agad po natin itong iniimbestigahan at sinususog ang katotohanan,” dagdag pa ng mayora.

Aniya, malaki ang naitulong ng social media sa mabilis na pagresponde ng pamahalaang lokal sa mga inirerekla­mong mga alagad na batas, mga kawani ng pamahaalang lungsod at barangay.

Sa tanggapan ng Public Information bumabagsak ang mga reklamo at komento ng mga netizen sa pamamagitan ng Facebook at email.

Dumadaan ang mga ito sa sistema at proseso na nagpapabilis sa pagpapaabot ng reklamo sa mga kinauukulan. Tanggal sa pagiging alagad ng batas ang mga pulis na mapapatunayang pasaway sa Antipolo City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *