240 kompanya ambagan sa 3.7M AztraZeneca bakuna

Malapit nang makumpleto ang second batch ng order na COVID-19 vaccine ng Pilipinas mula sa AstraZeneca.

The post 240 kompanya ambagan sa 3.7M AztraZeneca bakuna first appeared on Abante.

240 kompanya ambagan sa 3 7m aztrazeneca bakuna - 240 kompanya ambagan sa 3.7M AztraZeneca bakuna
abante AztraZeneca - 240 kompanya ambagan sa 3.7M AztraZeneca bakuna

Malapit nang makumpleto ang second batch ng order na COVID-19 vaccine ng Pilipinas mula sa AstraZeneca.

Sinabi kahapon ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na umorder ang gobyerno at pribadong sektor ng mula 3.7 hanggang 3.8 milyong doses ng virus vaccine mula sa nasabing British-Swedish pharmaceutical company.

Bukod pa aniya ito sa 2.6 milyong doses sa first batch at nakatakdang dumating sa Mayo.

“Siguro, mga close to 240 companies ang sumali dito sa Part 2. ‘Di pa tapos lahat kasi ginagawa namin ang documents. Pero close na, kasi yung MHRA (UK Medicines and Healthcare products Regulatory Agency) ng AstraZeneca, lumabas na… Syempre, maganda yung balita, yung AstraZeneca approved na sila sa MRHA. Meaning, they can already start selling the vaccines,” ani Concepcion sa panayam sa ABS-CBN Teleradyo.

“Kalahati ng binili namin, ido-donate namin sa government. So, meron din para sa government, ‘yung mga frontliners nila,” saad niya pa.

Una nang sinabi ng presidential adviser na nasa 200 kompanya ang nagpahayag ng suporta para makabili ang bansa ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca.(RC)

The post 240 kompanya ambagan sa 3.7M AztraZeneca bakuna first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *