24 US mambabatas pinatitigil military aid sa ‘Pinas

Gustong harangin ng 24 mambabatas sa Amerika ang pagbibigay ng pondo ng kanilang bansa sa Pilipinas hangga’t hindi gumagawa ng hakbang ang Duterte administration sa umano’y pag-atake sa human rights.

The post 24 US mambabatas pinatitigil military aid sa ‘Pinas first appeared on Abante.

24 us mambabatas pinatitigil military aid sa pinas - 24 US mambabatas pinatitigil military aid sa ‘Pinas
abante military aid - 24 US mambabatas pinatitigil military aid sa ‘Pinas

Gustong harangin ng 24 mambabatas sa Amerika ang pagbibigay ng pondo ng kanilang bansa sa Pilipinas hangga’t hindi gumagawa ng hakbang ang Duterte administration sa umano’y pag-atake sa human rights.

Hinain ni Pennsylvania 7th Congressional District Rep. Susan Wild, kasama ang 23 co-sponsor, ang H.R. 8313 o ang Philippine Human Rights Act, na balak suspendehin ang tulong ng USA sa mga pulis at sundalong Pinoy.

Binatikos ni Wild ang bagong Anti-Terrorism Law na aniya’y tinatarget ang mga lider ng unyon, at ang oposisyon ng administrasyong Duterte, kung saan pinunto nito ang 24 araw na detensyon para sa sinususpetsang terorista.

“In response to these abuses, I introduced the Philippine Human Rights Act, which would block U.S. funding for police or military assistance to the Philippines,” lahad sa panukalang batas.

“Let us make clear that the United States will not participate in the repression. Let us stand with the people of the Philippines,” aniya pa. (Riley Cea)

The post 24 US mambabatas pinatitigil military aid sa ‘Pinas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *