24 public school sa Navotas, lalagyan ng CCTV

Upang masiguro ang kalig­tasan ng mga estudyante mula sa elementary at high school sa mga masasamang loob, palalagyan ng Navotas City government ang 24 public schools ng close circuit tele­vision camera (CCTV).

The post 24 public school sa Navotas, lalagyan ng CCTV appeared first on Abante News Online.

24 public school sa navotas lalagyan ng cctv - 24 public school sa Navotas, lalagyan ng CCTV
Navoteño AKO - 24 public school sa Navotas, lalagyan ng CCTV

Upang masiguro ang kalig­tasan ng mga estudyante mula sa elementary at high school sa mga masasamang loob, palalagyan ng Navotas City government ang 24 public schools ng close circuit tele­vision camera (CCTV).

Ito ang kinumpirma nina Lone District Representative Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco, matapos na makuha ng Pamahalaang Lungsod ang 330 CCTV came­ra at 49 set ng CCTV recorders mula sa Faire Technologies, Inc. makaraang mapirmahan ng magkabilang panig ang deed of donation (DOD).

Mismong ang magka­patid na Tiangco at Faire Tech Vice President for Operations Norvin Duke Co ang lumagda sa kasunduan, saan sina Offi­cer-In-Charge (OIC) Schools Division Superintendent Meliton Zurbano, Faire Tech representatives Aris Abella at Bryan Adam Sy ang tumayong saksi.

“Nagpapasalamat po kami sa Fair Tech sa napakagandang proyekto na ibinigay nila sa Navotas City. At least mapapangalagaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral kontra krimen,” ani Ma­yor Tiangco.

Sabi naman ni Cong Toby Tiangco na uupong mayor sa June 30, malaking tulong ito para mahintakutan ang masasamang loob gaya ng holda­per na gumawa ng katarantaduhan sa mga mag-aaral, dahil makikilala ang mga ito. (Orlan Linde)

The post 24 public school sa Navotas, lalagyan ng CCTV appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *